Lunes, Marso 7, 2016

Upos ng Sigarilyo

Poot.

Poot ang nananalaytay sa t'wing magsasabi ka ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan ng aking mga tainga.

Parang tila ba'y kumukulo ang aking dugo at gusto kong gumawa ng isang bagay na hindi naaayon sa pananaw ng mga mapanghusgang mata.

At higit sa lahat, ayoko mang ilabas ang init ng aking ulo na parang nauupos na sigarilyo na kapag mali ang iyong pagtapon ay magdudulot ng malaking sakuna.

Sakuna na maaaring makasira ng buhay ng iba.



Lunes, Enero 25, 2016

Ang Pagmamahal sa Katulad mo


Ang Pagmamahal sa Katulad mo

"It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear. She puts her on make-up and brushes her long blonde hair. And then she asks me, 'Do I look alright?' And I say 'Yes. You look wonderful tonight."



Nakakatuwang isipin na kapag napakikinggan ko ang tugtuging ito ay ikaw ang naalala ko. Ang ganda kasi ng boses mo. Nami-miss tuloy kita. Sa paggising ko sa umaga, titingnan ko yung buong kwarto ko kung lilitaw ka ba o sumanib ka naman sa isa sa mga gamit ko para kulitin ako. Pero nakakalungkot isipin na ito na ang reyalidad--na wala ka na.

Wala ang katulad mo na nagbigay kulay sa walang-buhay kong buhay. Ikaw na nagbigay sa akin na lakas para mabuhay sa sakit na kinakaharap ko. Heart disease--maaaring magamot pero wala akong lakas dahil alam ko sa sarili ko na wala naman nang mag-aantay sa akin kung sakali mang gumaling ako. Walang naghahantay sa akin dahil wala na akong mga magulang--isa akong ulila. Ulila na naghahanap ng pagmamahal ng isang magulang, pero pinagkaitan ako. Pero ipinaintindi mo sa akin na maraming taong ang nag-aantay sa akin at hindi ako nag-iisa.

Naging masaya ako sa mga sandaling unti-unti kong naiintindihan ang buhay na kasama ka sa mga masasayang araw ng buhay ko. Hanggang sa minahal ka ng may sakit kong puso. Napakabilis ng tibok nito na 'di mo mawari kung aatakihin ba ako o hindi, basta kapag nakikita kita bumibilis ang tibok nito. Hindi ko alam, basta ito lang ang masasabi ko--ayokong wala ka sa tabi ko.

Itinatak ko sa utak ko na hindi mo ako iiwan at habang-buhay kitang makakasama. Kaya sinabi ko sa sarili kong magpapagaling ako. Lalabanan ko ang sakit kong ito.

Natuwa ka ng ibalita ko sa'yo ang bagay na iyon. Ngunit 'di ko inasahan ang sasabihin mo na nagpasakit sa kalooban ko. "Maganda yan. Matatapos na rin ang misyon ko."

Misyon. Misyon lang pala ang pakay mo sa pag-aalaga sa akin. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Wala ba akong karapatang sumaya? Bakit ang bilis naman? Wala talagang forever. Nakakainis. Sana hindi na lang kita nakilala. 

Nagpatuloy ang operasyon ko. Kahit na may galit ako sa kanya, nangingibabaw pa rin yung pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Pagkatapos nito, sasabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko.

Pero natapos na ang lahat-lahat, hindi ka na nagpakita sa akin. Siguro natakot ka sa akin? Pero hindi, multo matatakot sa tao? Nakakatawang bagay. Pero siguro nasa langit ka na at pinagtatawanan na lang katulad ko sa mga katangahang nagagawa ko ngayon. 

Pero kahit na wala ka na, at kung saan ka man ngayon. Mananatili ka sa puso ng nilalang na ito. Masasabi ko ring Wala talagang Forever. Kasi ang pagmamahal ko sa'yo ay PANGHABANGBUHAY.



...till we meet in Eternity Mr. Ghost

Linggo, Enero 24, 2016

Saglit na Lang




Mahal. Mahal na mahal kita.
Mahal na mahal--na dumudurog sa buong puso ko.
Hindi ko lubos maisip na kailangan kong gawin ang isang bagay.
Isang bagay na lubos na ikalulungkot ng mundo ko.
Ang kalimutan ka.
Kalimutan ang kagaya mong lumimot sa usapan.
Kalimutan ang kagaya mong nagpasakit sa utak ko lalung-lalo na ang puso kong ito.



Ang pusong ito na nagmahal ng lubos-lubos.
Ang pusong hanggang ngayon ay umaasa sa pagbabalik mo.
Pagbabalik na walang kasiguraduhan.
Bakit?
Bakit mo kasi agad ako iniwan ng ganito?
Iniwan mo akong hindi handa.
Hindi handa sa pagkamatay mo.
Ngayon, ang hirap-hirap mong kalimutan.
Yung ngiti mo kapag inaasar mo ako.
Yung tawa mo sa t'wing napapaiyak mo ako sa mga sorpresang dala mo.
Yung maamo mong mukha sa t'wing makikita mo akong umiiyak at sasabihing "Okey lang yan. Maaayos din ang lahat."
Mahirap kalimutan ang mga sandaling kasama ka.
Ang makasama ka sa hirap at ginhawa ay pinangarap ko.
Pangarap ko ang makasama ka.
Pero hindi yun matutupad dahil wala ka na.
Wala ka na.
Kaya, kahit saglit lang.
Sa pagpikit ng mata ko ay makita kita sa paraiso na tayong dalawa lang ang magkasama.
Yung tayo lang.
Walang iniisip na problema.
Nagmamahalan.
Kahit saglit lang, hanggang sa paggising ko pumasok sa isipan ko,
na kailangan na kitang kalimutan ...
Saglit na lang...
Magkikita rin tayo sa paraiso nating dalawa.

Tira-tira

Spoken word at akda ni Flordeliza Villa Aganon
Paksa: Kagutuman sa Pilipinas
Status: Na-rebisa na.



Nasasaktan ako.
Nasasaktan ang kalooban ko.
Nasasaktan ako sa t’wing maiisip na kapag nawala ka.
Hindi makagagalaw ang buong katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ayoko na.Ayoko na.
Ang sakit-sakit na. Tama na.
Bakit kailangan mong ipagkait sa akin ang isang kasiyahan?
Isang kasiyahan na dulot ng isang laman.
Isang laman na tanging ikaw lamang ang makapagbibigay.
Isang laman na magpapasaya sa kalooban ko.
Bakit?
Tinatanong mo kung bakit?
Dahil sa t’wing sasabihin mong ‘Ayoko na’, ay natutuwa ako.
Natutuwa ako kapag pinagsasawaan mo sila.
Natutuwa ako kapag tinatapon mo sila.
Baliw ako.
Oo baliw ako.
Tinapon mo na’t pinagsawaan ay kinatutuwa pa ng dukhang kagaya ko.
Dukhang walang maipambili ng pagkain at dukhang umaasasa’yo.
Oo itong dukhang ito ay sayo umaasa.
Umaasa ako sa tinapon mong pagkain.
Umaasa ako.
Dahil kailangan ko siya para mabuhay.
Siya ang lahat-lahat ko.
Dahil kapag nawala siya ay mamatay ako.
Mamamatay ako.
Mamamatay ako sa gutom.
Ayokong mamatay. Ayokong-ayoko.
Kaya ko ito ginagawa.
Kaya titiisin kong kunin ang tira-tira mo.
Kaya titiisin ko ang amoy, titiisin ko ang lasa ng pagkaing nanggagaling sa basurahan.
Dahil gusto kong mabuhay.
Titiisin ko ang ahat, dahil gusto kong mabuhay.
Ginawa ko ito dahil gusto kong makakita ng magandang-buhay.
Ayokong mamatay dahil sa gutom.
Kaya dito, nagpapasalamat ako dahil kahit sa tira-tiramo ay napawi ang kagutuman ko.
Dahil sa tira-tira mo nawala ang kalam ng sikmura ko.
Dahil sa tira-tira mo nadugtungan ang buhay ko.
Kaya dahil sa’yo wala ako rito sa harapan nila.

Sabado, Disyembre 12, 2015

Ang Bata sa Burol

Nakaupo ako ngayon sa damuhan at nakatulala sa kawalan ng burol na ‘to. Wala akong maisip kung ano ang gagawin ko rito sa ibabaw ng burol na ito. Wala man lang akong makitang maganda rito kung ‘di ang mga kulay berdeng mga puno at ang bahaghari sa kabilang bahagi ng burol.

                Inihilig ko ang aking ulo sa aking tuhod, gusto kong maiyak. Bakit wala akong makitang mga ibong nagliliparan? At saka bakit pakiramdam ko dumidilim ang buong kapaligiran ko?

                Napahagulgol ako ng malakas. Ayoko nang nakikita at nararamdaman ko.

                “Bata, bakit ka umiiyak?” Tanong ng isang babae, ngunit pag-angat ng aking ulo ay isang batang lalaki ang nakita ko. Nakangiti siya sa akin. Nakakainggit naman yung ngiti niya. Umiling lang ako sa tanong niya sa akin, kasi kahit ako hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko nalulungkot ako.

                Tumango-tango na lang siya sa sinagot ko.

                “Bakit ka narito sa burol?” Muli niyang tanong. Napaisip ako. Paano ba ako napunta rito?

                “Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nakaupo lang ako rito at walang ginawa kung hindi ang titigan itong lugar na ito.” Itinuro ko ang mga puno at ang bahaghari sa kabilang dako ng burol. Tumango-tango muli siya.

                “Tara! Lipad tayo!” Tumalon siya ng burol kasama ako. Teka?! Hindi ako lumilip—

                “Huwag kang mag-alala, hindi ka maiiwang mag-isa.” Marahan niyang bigkas na nakapagpaiyak sa akin.

                Dinala niya ako sa buwan at sinabi niya sa akin na matalik niyang kaibigan ang buwan. Madalas din silang maghabulan paikot ng mundo.

                “Gusto mong sumali?” Tanong ni Buwan. Tumango ako at nakipaglaro sa kanila. Ang saya.

                Matapos iyon ay nagpunta kami sa ilalim ng karagatang Pasipiko at nakilala ang mga nilalang sa karagatan, lalo na yung pinakamalaking putting balyena. At sumakay kami sa likuran niya at iniikot ang buong kaharian ng mga sirena.

                Nang magutom kami ay nagpunta kami sa isang kaharian sa kanlurang bahagi ng bansa. At doon ay walang sawa kaming kumain nang kumain ng mga putaheng handa ng Hari’t Reyna.

                Napakarami naming napuntahan. Katulad ng pagpasok sa loob ng telebisyon kung saan nakita ko ang nangyayari at kaya naming baguhin ang pangyayari sa palabas. Sa mundo ng mga mahikero na kung saan nakagawa kami ng napakalaking cotton candy na inubos naming dalawa ng halos isang oras. Hanggang sa pinaka ilalim ng mundo kung saan nahawakan namin ang puso ng mundo.

                Ang lahat ng iyon ay naging masaya dahil kasama ko siya.

                Hanggang sa bumalik na tayo sa burol kung saan mo ako nakita.Ayokong bitawan ang kamay mo. Ayokong maiwan mag-isa rito sa ibabaw ng burol, yan ang ibinibigkas ko habang pinipigilan kong huwag umiyak ngunit nginitian mo ako, sabay sabing; “Hindi naman ako mawawala, nandito lang ako sa puso’t isipan mo. At saka, marami ka pang makikilala katulad ko na makakasama mo sa lahat ng paglalakbay na nanaisin mo.”

                Sa huli, niyakap kita at lumipad ng napakalayo—palayo sa akin.

                “Paalam munti kong kaibigan, hanggang sa muling pagkikita…”



                Unti-unting dumilat ang aking mata, napangiti ng mapakla sabay sabing; “Panaginip lang pala ang lahat.”

Biyernes, Disyembre 4, 2015

∞ Story of Us ∞




Story of Us (Short Story)        

ILikeCoffee4UNI


I love reading books.


I love writing stories.


And I want to share my stories to everyone.


That's why I become a writer.


Lahat ng istoryang ginagawa ko; love story, magical or tragedy, lahat sinusulat ko at masaya akong may mga taong humahanga sa gawa ko at gusto akong magpatuloy nang husto pa.


Pero alam mo bang may isa pa akong rason kung bakit ako naging isang writer?


Dahil gusto kong isulat yung istorya natin. Isang tragedy story—about us. Yung nagsimula tayo as magkababata, hanggang sa nagtapat akong gusto kita at sinabi mong, 'I feel the same'. At dumating na nga si ligawan day at tumagal ng halos kalahating buwan at sinagot kita. Yung moment na sobrang saya natin na sinabi ko sa sarili kong ikaw na yung perfect one na makakasama ko habang buhay. Tapos dumating si new character, which is antagonist pala sa love story natin.


Nagalit ako, pero sinabi ko nung mga panahon na yun na nagkamali ka lang. Kaya pinagkatiwalaa pa rin kita at minahal ng walang kulang.


Pero, nasasaktan na 'ko sa t'wing magbubulag-bulagan sa ginagawa mo sa akin. Kaya nagdesisyon na ako kung ano ba ang tamang gawin. Kailangan na kitang palayain, kasi nahihirapan na 'ko. At pagkatapos 'non ay lalayo na rin ako kasama ang alaalang kailangang tanggalin ko sa isipan ko sa mga susunod na panahon.


Nagfocus ako sa pagsusulat ng istorya ko nang marinig ko yung isang kantang kinanta mo sa akin. Aminin ko man o sa hindi, nasaktan ako. Ang tagal din kasing nating naging tayo. Tapos mawawala lang na parang 'shooting star' pagkatapos mong magwish ng panandalian.


Ngayon, malapit ko nang matapos yung story natin, pero nakukulangan pa rin ako kaya bumalik ako at pumunta sa bahay ng kuya mo. Gusto kong masatisfy yung mga readers ko kapag nabasa nila 'tong ginawa ko. Kaya kahit nasa stage pa ako nang moving-on ay nagpakatatag pa rin ako para matapos ko ang istorya nating dalawa.


Hanggang sa ngayon, parehas tayong nakatayo sa beach kung saan tayo nagkakilala nung mga bata tayo. Ito na yung huling chapter ng story natin na kung saan kailangan nang maghiwalay ng landas yung dalawang bida. Niyakap kita ng sobrang higpit, kasi alam kong wala nang book two sa istoryang gagawin nating dalawa. Hanggang sa niluwagan ko na ang pagkakahawak sa'yo, natatawa pa nga ako ng pagak dahil ayaw mo pa akong bitawan at paulit-ulit kang nagso-sorry sa mga ginawa mong ka-gaguhan. Pero hindi na ganon ka-big deal sa akin yun. Basta ang alam ko, ito na yung epilogue ng story natin. At sana sa susunod ay parehas na tayong masaya sa another chapter ng buhay natin.


Salamat sa binigay mong story na naging story ko rin. At kung nababasa mo man 'to, this is the Story of Us...


Martes, Nobyembre 24, 2015

The 200 Word Challenge

                Kilala ako bilang isang estudyante na nasa ikalawang taon sa kolehiyo ng STI na kumukuha ng Batsilyer ng Artes sa Komunikasyon. Marami akong kinahihiligang mga bagay. Katulad nang pagkahilig ko sa pagdo-drawing, palakanta, mahilig manood lalo na kung tungkol sa mga paborito kong palabas na anime.

                Pero sino ba talaga ako?

                Isinilang ako sa Quezon City noong Septyembre , taong 1997. Panganay ako sa magkakapatid at kilala ako sa pagiging seryoso—sa bahay.

                Noong grade one ako ay nahilig akong manood ng tv, pero pumukaw nang pansin ko yung mga character na napapanood ko. Katulad ng Naruto, Ragnarok, Card Captor Sakura at iba pa.

                Sa pagkahilig ko sa anime ay natuto rin akong magdrawing—dahil nainggit ako sa crush ko. Yun ang isa sa dahilan din. At naging palakanta ako dahil namana ko sa pamilya ko. 


                At dahil sa pagkahilig ko sa anime, particularly manga ay nagtry din akong gumawa ng comics pero di rin naman siya nagtagal kasi na-focus ako sa pag-aaral dahil malapit na yung graduation sa high school. Pero hindi pa rin naman nawawala yung pagkahilig ko sa pag drawing. And also, nagsusulat ako sa isang site para makatakas sa mga bagay-bagay katulad nang pagharap sa problema.