Kilala
ako bilang isang estudyante na nasa ikalawang taon sa kolehiyo ng STI na
kumukuha ng Batsilyer ng Artes sa Komunikasyon. Marami akong kinahihiligang mga
bagay. Katulad nang pagkahilig ko sa pagdo-drawing, palakanta, mahilig manood
lalo na kung tungkol sa mga paborito kong palabas na anime.
Pero
sino ba talaga ako?
Isinilang
ako sa Quezon City noong Septyembre , taong 1997. Panganay ako sa magkakapatid
at kilala ako sa pagiging seryoso—sa bahay.
Noong
grade one ako ay nahilig akong manood ng tv, pero pumukaw nang pansin ko yung
mga character na napapanood ko. Katulad ng Naruto, Ragnarok, Card Captor Sakura
at iba pa.
Sa
pagkahilig ko sa anime ay natuto rin akong magdrawing—dahil nainggit ako sa
crush ko. Yun ang isa sa dahilan din. At naging palakanta ako dahil namana ko
sa pamilya ko.
At
dahil sa pagkahilig ko sa anime, particularly manga ay nagtry din akong gumawa
ng comics pero di rin naman siya nagtagal kasi na-focus ako sa pag-aaral dahil
malapit na yung graduation sa high school. Pero hindi pa rin naman nawawala
yung pagkahilig ko sa pag drawing. And also, nagsusulat ako sa isang site para makatakas
sa mga bagay-bagay katulad nang pagharap sa problema.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento