Linggo, Enero 24, 2016

Tira-tira

Spoken word at akda ni Flordeliza Villa Aganon
Paksa: Kagutuman sa Pilipinas
Status: Na-rebisa na.



Nasasaktan ako.
Nasasaktan ang kalooban ko.
Nasasaktan ako sa t’wing maiisip na kapag nawala ka.
Hindi makagagalaw ang buong katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ayoko na.Ayoko na.
Ang sakit-sakit na. Tama na.
Bakit kailangan mong ipagkait sa akin ang isang kasiyahan?
Isang kasiyahan na dulot ng isang laman.
Isang laman na tanging ikaw lamang ang makapagbibigay.
Isang laman na magpapasaya sa kalooban ko.
Bakit?
Tinatanong mo kung bakit?
Dahil sa t’wing sasabihin mong ‘Ayoko na’, ay natutuwa ako.
Natutuwa ako kapag pinagsasawaan mo sila.
Natutuwa ako kapag tinatapon mo sila.
Baliw ako.
Oo baliw ako.
Tinapon mo na’t pinagsawaan ay kinatutuwa pa ng dukhang kagaya ko.
Dukhang walang maipambili ng pagkain at dukhang umaasasa’yo.
Oo itong dukhang ito ay sayo umaasa.
Umaasa ako sa tinapon mong pagkain.
Umaasa ako.
Dahil kailangan ko siya para mabuhay.
Siya ang lahat-lahat ko.
Dahil kapag nawala siya ay mamatay ako.
Mamamatay ako.
Mamamatay ako sa gutom.
Ayokong mamatay. Ayokong-ayoko.
Kaya ko ito ginagawa.
Kaya titiisin kong kunin ang tira-tira mo.
Kaya titiisin ko ang amoy, titiisin ko ang lasa ng pagkaing nanggagaling sa basurahan.
Dahil gusto kong mabuhay.
Titiisin ko ang ahat, dahil gusto kong mabuhay.
Ginawa ko ito dahil gusto kong makakita ng magandang-buhay.
Ayokong mamatay dahil sa gutom.
Kaya dito, nagpapasalamat ako dahil kahit sa tira-tiramo ay napawi ang kagutuman ko.
Dahil sa tira-tira mo nawala ang kalam ng sikmura ko.
Dahil sa tira-tira mo nadugtungan ang buhay ko.
Kaya dahil sa’yo wala ako rito sa harapan nila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento