Mahal. Mahal na mahal kita.
Mahal na mahal--na dumudurog sa buong puso ko.
Hindi ko lubos maisip na kailangan kong gawin ang isang bagay.
Isang bagay na lubos na ikalulungkot ng mundo ko.
Ang kalimutan ka.
Kalimutan ang kagaya mong lumimot sa usapan.
Kalimutan ang kagaya mong nagpasakit sa utak ko lalung-lalo na ang puso kong ito.
Ang pusong ito na nagmahal ng lubos-lubos.
Ang pusong hanggang ngayon ay umaasa sa pagbabalik mo.
Pagbabalik na walang kasiguraduhan.
Bakit?
Bakit mo kasi agad ako iniwan ng ganito?
Iniwan mo akong hindi handa.
Hindi handa sa pagkamatay mo.
Ngayon, ang hirap-hirap mong kalimutan.
Yung ngiti mo kapag inaasar mo ako.
Yung tawa mo sa t'wing napapaiyak mo ako sa mga sorpresang dala mo.
Yung maamo mong mukha sa t'wing makikita mo akong umiiyak at sasabihing "Okey lang yan. Maaayos din ang lahat."
Mahirap kalimutan ang mga sandaling kasama ka.
Ang makasama ka sa hirap at ginhawa ay pinangarap ko.
Pangarap ko ang makasama ka.
Pero hindi yun matutupad dahil wala ka na.
Wala ka na.
Kaya, kahit saglit lang.
Sa pagpikit ng mata ko ay makita kita sa paraiso na tayong dalawa lang ang magkasama.
Yung tayo lang.
Walang iniisip na problema.
Nagmamahalan.
Kahit saglit lang, hanggang sa paggising ko pumasok sa isipan ko,
na kailangan na kitang kalimutan ...
Saglit na lang...
Magkikita rin tayo sa paraiso nating dalawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento