Ang Pagmamahal sa Katulad mo
"It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear. She puts her on make-up and brushes her long blonde hair. And then she asks me, 'Do I look alright?' And I say 'Yes. You look wonderful tonight."
Nakakatuwang isipin na kapag napakikinggan ko ang tugtuging ito ay ikaw ang naalala ko. Ang ganda kasi ng boses mo. Nami-miss tuloy kita. Sa paggising ko sa umaga, titingnan ko yung buong kwarto ko kung lilitaw ka ba o sumanib ka naman sa isa sa mga gamit ko para kulitin ako. Pero nakakalungkot isipin na ito na ang reyalidad--na wala ka na.
Wala ang katulad mo na nagbigay kulay sa walang-buhay kong buhay. Ikaw na nagbigay sa akin na lakas para mabuhay sa sakit na kinakaharap ko. Heart disease--maaaring magamot pero wala akong lakas dahil alam ko sa sarili ko na wala naman nang mag-aantay sa akin kung sakali mang gumaling ako. Walang naghahantay sa akin dahil wala na akong mga magulang--isa akong ulila. Ulila na naghahanap ng pagmamahal ng isang magulang, pero pinagkaitan ako. Pero ipinaintindi mo sa akin na maraming taong ang nag-aantay sa akin at hindi ako nag-iisa.
Naging masaya ako sa mga sandaling unti-unti kong naiintindihan ang buhay na kasama ka sa mga masasayang araw ng buhay ko. Hanggang sa minahal ka ng may sakit kong puso. Napakabilis ng tibok nito na 'di mo mawari kung aatakihin ba ako o hindi, basta kapag nakikita kita bumibilis ang tibok nito. Hindi ko alam, basta ito lang ang masasabi ko--ayokong wala ka sa tabi ko.
Itinatak ko sa utak ko na hindi mo ako iiwan at habang-buhay kitang makakasama. Kaya sinabi ko sa sarili kong magpapagaling ako. Lalabanan ko ang sakit kong ito.
Natuwa ka ng ibalita ko sa'yo ang bagay na iyon. Ngunit 'di ko inasahan ang sasabihin mo na nagpasakit sa kalooban ko. "Maganda yan. Matatapos na rin ang misyon ko."
Misyon. Misyon lang pala ang pakay mo sa pag-aalaga sa akin. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Wala ba akong karapatang sumaya? Bakit ang bilis naman? Wala talagang forever. Nakakainis. Sana hindi na lang kita nakilala.
Nagpatuloy ang operasyon ko. Kahit na may galit ako sa kanya, nangingibabaw pa rin yung pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Pagkatapos nito, sasabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko.
Pero natapos na ang lahat-lahat, hindi ka na nagpakita sa akin. Siguro natakot ka sa akin? Pero hindi, multo matatakot sa tao? Nakakatawang bagay. Pero siguro nasa langit ka na at pinagtatawanan na lang katulad ko sa mga katangahang nagagawa ko ngayon.
Pero kahit na wala ka na, at kung saan ka man ngayon. Mananatili ka sa puso ng nilalang na ito. Masasabi ko ring Wala talagang Forever. Kasi ang pagmamahal ko sa'yo ay PANGHABANGBUHAY.
...till we meet in Eternity Mr. Ghost