Miyerkules, Nobyembre 18, 2015

Sa pakikipag-usap ko sa kanya




Short Story
by: ILikeCoffee4UNI

   Naiinis ako. Naiinis ako sa nangyayari sa buhay ko. Letche siya. Bakit kailangan niya pang maghanap ng iba? Hindi ba siya nagagandahan sa mala-dyosa kong mukha at katawan? Pinagpalit niya pa ako sa… sa… sa isang Bisugong kulang sa protina. Hindi pa siya nahiya, pinakalandakan niya pang bago niyang SYOTA yun. Heh! Kung aalamin niya lang yung term niya para sa akin ng SYOTA na yan – SHORT TIME lang yan. Pakshet sila.

   Dahil sa inis ko ay lumabas ako ng classroom at pumunta ng canteen para bumili ng ‘Burger steak’, nagugutom ako kaya kailangan ko munang kumain. Mamaya pa naman ag klase namin eh.

   Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa canteen para kumain ng kumain. After nito makikita ko na naman ang two-timer kong ex-boyfriend na si Ernesto at ang kaklase kong si Panchita na kinulang sa protina sa katawan.

   Sumubo ako ng isang kanin na may ulam. Sa t’wing maiisip ko ang tungkol sa ginawa nila sa banyo. Naiirita ako. Kapag ang bulbol talaga kapag nangati kailangan talagang may kumamot para mawala. Eh, kung lagyan na lang niya ng katingko para masunog sa init yung buhok niya sa baba. Bwisit sila.

   ‘Di ko namalayang unti-unti na palang tumutulo ang luha ko kaya kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko, pero kamalas-malasan naman kung kailang-kailangan ko tsaka naman wala. Bakit ba kasi nagkaganito ang nangyayari sa buhay ko. Sana, sana may magcomfort o magpasaya sa akin—kahit siya man lang.

   “Miss, gusto mong ice cream?” Tanong ng isang lalaki. Tiningnan ko siya. Si Samuel—yung crush ko nung first year ako rito. Napangiti ako at kinuha yung ice cream.

   “Salamat.”

   Napangiti siya at umupo sa harapan ko. “Alam mo, pangit sa isang babae ang umiiyak. Nakakabawas sa kagandahan yun.” Paliwanag niya sa akin bago sumubo ng ice cream. “Kaya ‘wag kang iiyak. Halika punasan natin yang luha mo.” Nilabas niya yung panyo niya at siya mismo ang nagpunas ng luha ko.

   Natawa ako. Para kaming magkasintahan sa ginagawa namin.

   “Ayan. Hindi ba? Tama ang sabi ko sa’yo. Smile ka lang para lalo kang gumanda.”

   “Salamat.”

   “Walang anuman. Ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya sa akin. Uminom ako ng tubig bago magsalita.

   “Ako si Carol. Ikaw?” Nagpanggap ako na hindi ko siya kilala kasi baka mailang siya sa akin. Nguniti muli siya at sumagot na naging dahilan para magulat ako.

   “Ako si Daryl, kakambal ni Samuel.” Medyo bumuka ang bunganga ko sa gulat. Akala ko siya na.

   “Oh. Ba’t malungkot ka na naman? May nasabi ba akong mali?” Umiling ako sa tanong niya. Nanghinayang lang ako kasi hindi si Samuel yung nakausap ko ngayon. At saka oo nga pala, may identical twin pala si Samuel Del Mundo—si Daryl Del Mundo.

   “Oh wala naman pala ehh. Dapat smile ka lang lagi. Ha?” Napangiti ako bago tumango. Siguro, hindi nga o hindi pa ngayon ang panahon para makilala si Samuel. Pero masaya naman ako kasi nakilala ko yung isa niya pang parte.

   “Ay! Gusto mo ba ng manggang hilaw? May dala ako. Galing pa ‘to sa probinsya namin sa Isabela.” Sabay pakita niya ng isang plastic na punung-puno ng manggang hilaw.

   “Sure. Di ko tatanggihan yan.” Kumuha ako ng limang pirasong manggang hilaw at inilagay yun sa bulsa ng palda ko. Yung iba naman ay hinawakan ko na lang. “Salamat rito ah.”

   “No problem. Basta ‘wag ka nang iiyak ah. Ngumiti ka lang. Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka.” Bigkas niya at naglakad na siya palayo sa akin. Kaya tumalikod na rin ako para bumalik sa klase ko.

   “Ay! Oo nga pala.” Pahabol niya sa akin kaya napalingon akong muli sa kanya. “Payo lang. Ang pag-ibig, parang tao lang yan na taeng-tae na, na pinipigilang lumabas ang dapat ilabas sa pwet niya. Kahit na masakit tinitiis pa rin hanggang sa makahanap siya ng kubetang pwedeng paglabasan niya ng tae. At kapag nailabas na niya lahat ng tae na yun ay giginhawa ang pakiramdam niya at lalabas siya ng kubeta na hindi na iniinda ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang tiyan. Mamaya kapag natae ka, try mong ihaluntulad yan sa pagmamahal mo dun sa lalaking yung pinaglaruan ka. Tapos pakiramdaman mo ulit ang sarili mo. Masakit pa ba ang tiyan mo? Yun lang. Sige pumasok ka na. Bye Carol, hanggang sa muling pagkikita.”Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya? Nagkibit-balikat na lang ako. Kumaway siya at umalis na palayo. Kumaway din ako. At naglakad na rin palayo. Naisip ko na kahit na nakakadiri yung pinagsasabi niya kanina ay may punto siya. Kailangan ko nang mag-move-on. At hindi niya deserve ang second chance. Napangiwi ako nang maramdaman kong nananakit ang tiyan ko. Matatae pa yata ako ng ‘di oras. Pero napangiti ako ng maisip ko na isa na ‘tong sign para mag-start ako sa another chapter ng buhay ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento