Sa ilang araw kong pag-iisip, maraming pumasok na mga ideya na maganda para ilagay ko bilang panimula sa aking blog sa Online Journ ko. Pero lahat nang iyon ay hindi ko maisulat ng maayos, hanggang sa naubusan na ako nang pasensya at ikaw na lang ang pinili kong paksa para sa gagawin ko ngayong Prelim period ko bilang isang college student.
Siguro umay na umay ka na sa kakaubo dahil palaging may nakakaalala sa iyo--at ako yun. Well uulitin ko lang muli kung paano ako nagkagusto sa isang katulad mo--
Ibarra.
Nagsimula yun nung nasa unang baitang tayo ng elementarya, unang klase at hindi pa tayo lahat magkakakilalang lahat. Natutuwa ako sa unang pagpasok ko sa paaralan na hindi ko kasama ang pamilya ko at ang gagawin ko lang ay ang mag-aral nang mag-aral para matuwa sa akin ang mga magulang ko pagdating sa akademya.
Ang ingay ng buong klase, may iba nag-iiyakan dahil iiwan sila nang mga nanay nila para bumalik na sa kanilang bahay. Ako naman ay nanahimik na lang sa isang upuan dahil sinabi naman ni mama na hindi naman daw magtatagal at babalik din siya para sunduin ako, pagkatapos na pagkatapos ng klase.
Una kong nakilala nun si Sharlene, yung pinakamaliit sa klase natin. Naging magkaibigan din kami nang araw na yun. Syempre hindi mawawala si Jireh--siya yung una kong naging crush nun bago ka. Ang alam ko may asawa na yun eh. Pero yun nga, nung mga bata pa tayo, umiral na sa akin yung pagiging stalker, nalaman ko kung saan siya nakatira, sa Villlareal. Kaya gamit ang bike kong tatluhan pa yung gulong pinupuntahan ko siya, pati na rin yung teacher natin na si Mrs. Samson na nasa Amerika na yata, yun kasi ang balita ko nung huli kaming nangaroling sa bahay nila.
So ayun nga, nung mga panahon na yun hindi pa kita napapansin dahil nga kay Jireh, pero naglaho din yun nang mapansin kita na parehas kayo ng bag--Mickey Mouse, eh paborito ko si Mickey Mouse. Doon nagsimula ang lahat.
Nung mga grade two na tayo, apat na lang tayong mga naging ,magkakaklase, si Lloyd, Angelica, ako at ikaw. Mali pa nga yung klaseng napasukan natin, pang grade six--sinunod-sunod niyo kasi ako eh. Well, masaya ako nun kasi katabi kita at nakatanggap pa ako ng batok galing sa'yo.
Naging teacher natin si Mrs. Abad ng isang taon, pero isa lang ang natatandaan ko na kinaiinisan at ikinatutuwa sa'yo hanggang ngayon. Yung time na nag-iingay ang lahat--kasama ka doon. Edi nag-utos si ma'am na maglista ng maiingay yung kaklase nating babae (Nakalimutan ko pangalan niya) Ang ingay-ingay mo nun. Ako na nananahimik ako nailista--akala kasi niya ako ang kausap o crush ka din niya. Basta ang nangyari nun ako ang napingot at pinagtawanan mo ako kaya gumanti ako na ikinaiyak mo naman, tapos ayaw mong tumigil kaya umiyak ako dahil ayaw mong tumigil pero nakarinig ako nang malakas na tawanan--pinagtatawanan niyo ko, at malaking kahihiyan sa akin yun. Pero ngayon, pinagtatawanan ko na lang siya.
Hanggang sa tumungtong tayo ng grade three. Heh. Ito yung time na kaya kong mag-math--yung Aloha, yung sa kamay. Mataas grades ko dun, nangarap pa nga ako na magbest in Math eh. At saka sa tatlong taon kong naging kaklase ka, napansin kong gumagaling ka sa academics at sa pagdo-drawing, kaya ginaya kita. Nag-try akong magdrawing kahit papaano. At hanggang ngayon, ginagawa ko pa rin siya.
Ang dami nangyari nung nasa elementarya tayo. Grade four kasi di na tayo naging magkaklase. Pero nung naging grade five tayo, napakasaya kong malaman na isang dingding lang ang pagitan natin. Katabing room lang kita. Tapos, yung sinabihan mo akong 'Congrats' dahil ako ang mas mataas sa Social Studies namin sa test. Para na kong nasa langit nun. Hanggang sa naging grade six at hanggang sa naggraduate tayo, hinagaan kita nang sobra. Nalaman ko nga na crush mo yung kaklase kong si Rochelle ehh. Ti-nry kong umiyak sa banyo namin, pero naging katatawanan lang ako nang marealize ko na hindi ako maiyak sa nalaman ko.
Tapos, nalaman kong pumasok ka ng high school sa Sta. Lucia HS, at doon nakakilala na iba't-ibang babae mo na pinagpawalang bahala ko na lang. Tapos yung recently mong girlfriend na ngayon ay ex na. Heh. Sabi sa'yo ehh, di siya bagay sa'yo. At ngayon na pumasok ka sa QCPU para mag-aral ng Engineering. Natutuwa ako dahil gusto mo ring makapagtapos nang college.
Sana sa susunod magkitang muli tayo, kahit kaibigan lang okey na sa akin. Basta magkakilalang muli tayo.
At sana, sa pagtatapos nang sinusulat kong ito ay madagdagan pa sana ito--kahit hindi na ikaw yung taong kakausapin ko. Kasi hanggang pangarap lang kasi kita eh. Masyado akong duwag para sabihin sa'yo yung feelings ko. Well atleast nailalabas ko yung nararamdaman ko through writing. At masaya na ako kahit papaano rito.
Sige. Ito na yung huli kong sulat para sa'yo.
Muli ako nga pala yung naging tagahanga mo noon. At sana ngayon ay maging masaya tayong dalawa sa kung anong tinahak nating dalawa.
Paalam...