Sabado, Disyembre 12, 2015

Ang Bata sa Burol

Nakaupo ako ngayon sa damuhan at nakatulala sa kawalan ng burol na ‘to. Wala akong maisip kung ano ang gagawin ko rito sa ibabaw ng burol na ito. Wala man lang akong makitang maganda rito kung ‘di ang mga kulay berdeng mga puno at ang bahaghari sa kabilang bahagi ng burol.

                Inihilig ko ang aking ulo sa aking tuhod, gusto kong maiyak. Bakit wala akong makitang mga ibong nagliliparan? At saka bakit pakiramdam ko dumidilim ang buong kapaligiran ko?

                Napahagulgol ako ng malakas. Ayoko nang nakikita at nararamdaman ko.

                “Bata, bakit ka umiiyak?” Tanong ng isang babae, ngunit pag-angat ng aking ulo ay isang batang lalaki ang nakita ko. Nakangiti siya sa akin. Nakakainggit naman yung ngiti niya. Umiling lang ako sa tanong niya sa akin, kasi kahit ako hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko nalulungkot ako.

                Tumango-tango na lang siya sa sinagot ko.

                “Bakit ka narito sa burol?” Muli niyang tanong. Napaisip ako. Paano ba ako napunta rito?

                “Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nakaupo lang ako rito at walang ginawa kung hindi ang titigan itong lugar na ito.” Itinuro ko ang mga puno at ang bahaghari sa kabilang dako ng burol. Tumango-tango muli siya.

                “Tara! Lipad tayo!” Tumalon siya ng burol kasama ako. Teka?! Hindi ako lumilip—

                “Huwag kang mag-alala, hindi ka maiiwang mag-isa.” Marahan niyang bigkas na nakapagpaiyak sa akin.

                Dinala niya ako sa buwan at sinabi niya sa akin na matalik niyang kaibigan ang buwan. Madalas din silang maghabulan paikot ng mundo.

                “Gusto mong sumali?” Tanong ni Buwan. Tumango ako at nakipaglaro sa kanila. Ang saya.

                Matapos iyon ay nagpunta kami sa ilalim ng karagatang Pasipiko at nakilala ang mga nilalang sa karagatan, lalo na yung pinakamalaking putting balyena. At sumakay kami sa likuran niya at iniikot ang buong kaharian ng mga sirena.

                Nang magutom kami ay nagpunta kami sa isang kaharian sa kanlurang bahagi ng bansa. At doon ay walang sawa kaming kumain nang kumain ng mga putaheng handa ng Hari’t Reyna.

                Napakarami naming napuntahan. Katulad ng pagpasok sa loob ng telebisyon kung saan nakita ko ang nangyayari at kaya naming baguhin ang pangyayari sa palabas. Sa mundo ng mga mahikero na kung saan nakagawa kami ng napakalaking cotton candy na inubos naming dalawa ng halos isang oras. Hanggang sa pinaka ilalim ng mundo kung saan nahawakan namin ang puso ng mundo.

                Ang lahat ng iyon ay naging masaya dahil kasama ko siya.

                Hanggang sa bumalik na tayo sa burol kung saan mo ako nakita.Ayokong bitawan ang kamay mo. Ayokong maiwan mag-isa rito sa ibabaw ng burol, yan ang ibinibigkas ko habang pinipigilan kong huwag umiyak ngunit nginitian mo ako, sabay sabing; “Hindi naman ako mawawala, nandito lang ako sa puso’t isipan mo. At saka, marami ka pang makikilala katulad ko na makakasama mo sa lahat ng paglalakbay na nanaisin mo.”

                Sa huli, niyakap kita at lumipad ng napakalayo—palayo sa akin.

                “Paalam munti kong kaibigan, hanggang sa muling pagkikita…”



                Unti-unting dumilat ang aking mata, napangiti ng mapakla sabay sabing; “Panaginip lang pala ang lahat.”

Biyernes, Disyembre 4, 2015

∞ Story of Us ∞




Story of Us (Short Story)        

ILikeCoffee4UNI


I love reading books.


I love writing stories.


And I want to share my stories to everyone.


That's why I become a writer.


Lahat ng istoryang ginagawa ko; love story, magical or tragedy, lahat sinusulat ko at masaya akong may mga taong humahanga sa gawa ko at gusto akong magpatuloy nang husto pa.


Pero alam mo bang may isa pa akong rason kung bakit ako naging isang writer?


Dahil gusto kong isulat yung istorya natin. Isang tragedy story—about us. Yung nagsimula tayo as magkababata, hanggang sa nagtapat akong gusto kita at sinabi mong, 'I feel the same'. At dumating na nga si ligawan day at tumagal ng halos kalahating buwan at sinagot kita. Yung moment na sobrang saya natin na sinabi ko sa sarili kong ikaw na yung perfect one na makakasama ko habang buhay. Tapos dumating si new character, which is antagonist pala sa love story natin.


Nagalit ako, pero sinabi ko nung mga panahon na yun na nagkamali ka lang. Kaya pinagkatiwalaa pa rin kita at minahal ng walang kulang.


Pero, nasasaktan na 'ko sa t'wing magbubulag-bulagan sa ginagawa mo sa akin. Kaya nagdesisyon na ako kung ano ba ang tamang gawin. Kailangan na kitang palayain, kasi nahihirapan na 'ko. At pagkatapos 'non ay lalayo na rin ako kasama ang alaalang kailangang tanggalin ko sa isipan ko sa mga susunod na panahon.


Nagfocus ako sa pagsusulat ng istorya ko nang marinig ko yung isang kantang kinanta mo sa akin. Aminin ko man o sa hindi, nasaktan ako. Ang tagal din kasing nating naging tayo. Tapos mawawala lang na parang 'shooting star' pagkatapos mong magwish ng panandalian.


Ngayon, malapit ko nang matapos yung story natin, pero nakukulangan pa rin ako kaya bumalik ako at pumunta sa bahay ng kuya mo. Gusto kong masatisfy yung mga readers ko kapag nabasa nila 'tong ginawa ko. Kaya kahit nasa stage pa ako nang moving-on ay nagpakatatag pa rin ako para matapos ko ang istorya nating dalawa.


Hanggang sa ngayon, parehas tayong nakatayo sa beach kung saan tayo nagkakilala nung mga bata tayo. Ito na yung huling chapter ng story natin na kung saan kailangan nang maghiwalay ng landas yung dalawang bida. Niyakap kita ng sobrang higpit, kasi alam kong wala nang book two sa istoryang gagawin nating dalawa. Hanggang sa niluwagan ko na ang pagkakahawak sa'yo, natatawa pa nga ako ng pagak dahil ayaw mo pa akong bitawan at paulit-ulit kang nagso-sorry sa mga ginawa mong ka-gaguhan. Pero hindi na ganon ka-big deal sa akin yun. Basta ang alam ko, ito na yung epilogue ng story natin. At sana sa susunod ay parehas na tayong masaya sa another chapter ng buhay natin.


Salamat sa binigay mong story na naging story ko rin. At kung nababasa mo man 'to, this is the Story of Us...


Martes, Nobyembre 24, 2015

The 200 Word Challenge

                Kilala ako bilang isang estudyante na nasa ikalawang taon sa kolehiyo ng STI na kumukuha ng Batsilyer ng Artes sa Komunikasyon. Marami akong kinahihiligang mga bagay. Katulad nang pagkahilig ko sa pagdo-drawing, palakanta, mahilig manood lalo na kung tungkol sa mga paborito kong palabas na anime.

                Pero sino ba talaga ako?

                Isinilang ako sa Quezon City noong Septyembre , taong 1997. Panganay ako sa magkakapatid at kilala ako sa pagiging seryoso—sa bahay.

                Noong grade one ako ay nahilig akong manood ng tv, pero pumukaw nang pansin ko yung mga character na napapanood ko. Katulad ng Naruto, Ragnarok, Card Captor Sakura at iba pa.

                Sa pagkahilig ko sa anime ay natuto rin akong magdrawing—dahil nainggit ako sa crush ko. Yun ang isa sa dahilan din. At naging palakanta ako dahil namana ko sa pamilya ko. 


                At dahil sa pagkahilig ko sa anime, particularly manga ay nagtry din akong gumawa ng comics pero di rin naman siya nagtagal kasi na-focus ako sa pag-aaral dahil malapit na yung graduation sa high school. Pero hindi pa rin naman nawawala yung pagkahilig ko sa pag drawing. And also, nagsusulat ako sa isang site para makatakas sa mga bagay-bagay katulad nang pagharap sa problema.

Miyerkules, Nobyembre 18, 2015

Para kay Ibarra



Sa ilang araw kong pag-iisip, maraming pumasok na mga ideya na maganda para ilagay ko bilang panimula sa aking blog sa Online Journ ko. Pero lahat nang iyon ay hindi ko maisulat ng maayos, hanggang sa naubusan na ako nang pasensya at ikaw na lang ang pinili kong paksa para sa gagawin ko ngayong Prelim period ko bilang isang college student.

Siguro umay na umay ka na sa kakaubo dahil palaging may nakakaalala sa iyo--at ako yun. Well uulitin ko lang muli kung paano ako nagkagusto sa isang katulad mo--Ibarra.


Nagsimula yun nung nasa unang baitang tayo ng elementarya, unang klase at hindi pa tayo lahat magkakakilalang lahat. Natutuwa ako sa unang pagpasok ko sa paaralan na hindi ko kasama ang pamilya ko at ang gagawin ko lang ay ang mag-aral nang mag-aral para matuwa sa akin ang mga magulang ko pagdating sa akademya.

Ang ingay ng buong klase, may iba nag-iiyakan dahil iiwan sila nang mga nanay nila para bumalik na sa kanilang bahay. Ako naman ay nanahimik na lang sa isang upuan dahil sinabi naman ni mama na hindi naman daw magtatagal at babalik din siya para sunduin ako, pagkatapos na pagkatapos ng klase.

Una kong nakilala nun si Sharlene, yung pinakamaliit sa klase natin. Naging magkaibigan din kami nang araw na yun. Syempre hindi mawawala si Jireh--siya yung una kong naging crush nun bago ka. Ang alam ko may asawa na yun eh. Pero yun nga, nung mga bata pa tayo, umiral na sa akin yung pagiging stalker, nalaman ko kung saan siya nakatira, sa Villlareal. Kaya gamit ang bike kong tatluhan pa yung gulong pinupuntahan ko siya, pati na rin yung teacher natin na si Mrs. Samson na nasa Amerika na yata, yun kasi ang balita ko nung huli kaming nangaroling sa bahay nila.

So ayun nga, nung mga panahon na yun hindi pa kita napapansin dahil nga kay Jireh, pero naglaho din yun nang mapansin kita na parehas kayo ng bag--Mickey Mouse, eh paborito ko si Mickey Mouse. Doon nagsimula ang lahat.

Nung mga grade two na tayo, apat na lang tayong mga naging ,magkakaklase, si Lloyd, Angelica, ako at ikaw. Mali pa nga yung klaseng napasukan natin, pang grade six--sinunod-sunod niyo kasi ako eh. Well, masaya ako nun kasi katabi kita at nakatanggap pa ako ng batok galing sa'yo.

Naging teacher natin si Mrs. Abad ng isang taon, pero isa lang ang natatandaan ko na kinaiinisan at ikinatutuwa sa'yo hanggang ngayon. Yung time na nag-iingay ang lahat--kasama ka doon. Edi nag-utos si ma'am na maglista ng maiingay yung kaklase nating babae (Nakalimutan ko pangalan niya) Ang ingay-ingay mo nun. Ako na nananahimik ako nailista--akala kasi niya ako ang kausap o crush ka din niya. Basta ang nangyari nun ako ang napingot at pinagtawanan mo ako kaya gumanti ako na ikinaiyak mo naman, tapos ayaw mong tumigil kaya umiyak ako dahil ayaw mong tumigil pero nakarinig ako nang malakas na tawanan--pinagtatawanan niyo ko, at malaking kahihiyan sa akin yun. Pero ngayon, pinagtatawanan ko na lang siya.

Hanggang sa tumungtong tayo ng grade three. Heh. Ito yung time na kaya kong mag-math--yung Aloha, yung sa kamay. Mataas grades ko dun, nangarap pa nga ako na magbest in Math eh. At saka sa tatlong taon kong naging kaklase ka, napansin kong gumagaling ka sa academics at sa pagdo-drawing, kaya ginaya kita. Nag-try akong magdrawing kahit papaano. At hanggang ngayon, ginagawa ko pa rin siya.

Ang dami nangyari nung nasa elementarya tayo. Grade four kasi di na tayo naging magkaklase. Pero nung naging grade five tayo, napakasaya kong malaman na isang dingding lang ang pagitan natin. Katabing room lang kita. Tapos, yung sinabihan mo akong 'Congrats' dahil ako ang mas mataas sa Social Studies namin sa test. Para na kong nasa langit nun. Hanggang sa naging grade six at hanggang sa naggraduate tayo, hinagaan kita nang sobra. Nalaman ko nga na crush mo yung kaklase kong si Rochelle ehh. Ti-nry kong umiyak sa banyo namin, pero naging katatawanan lang ako nang marealize ko na hindi ako maiyak sa nalaman ko.

Tapos, nalaman kong pumasok ka ng high school sa Sta. Lucia HS, at doon nakakilala na iba't-ibang babae mo na pinagpawalang bahala ko na lang. Tapos yung recently mong girlfriend na ngayon ay ex na. Heh. Sabi sa'yo ehh, di siya bagay sa'yo. At ngayon na pumasok ka sa QCPU para mag-aral ng Engineering. Natutuwa ako dahil gusto mo ring makapagtapos nang college.

Sana sa susunod magkitang muli tayo, kahit kaibigan lang okey na sa akin. Basta magkakilalang muli tayo.

At sana, sa pagtatapos nang sinusulat kong ito ay madagdagan pa sana ito--kahit hindi na ikaw yung taong kakausapin ko. Kasi hanggang pangarap lang kasi kita eh. Masyado akong duwag para sabihin sa'yo yung feelings ko. Well atleast nailalabas ko yung nararamdaman ko through writing. At masaya na ako kahit papaano rito.

Sige. Ito na yung huli kong sulat para sa'yo.

Muli ako nga pala yung naging tagahanga mo noon. At sana ngayon ay maging masaya tayong dalawa sa kung anong tinahak nating dalawa.

Paalam...

Sa pakikipag-usap ko sa kanya




Short Story
by: ILikeCoffee4UNI

   Naiinis ako. Naiinis ako sa nangyayari sa buhay ko. Letche siya. Bakit kailangan niya pang maghanap ng iba? Hindi ba siya nagagandahan sa mala-dyosa kong mukha at katawan? Pinagpalit niya pa ako sa… sa… sa isang Bisugong kulang sa protina. Hindi pa siya nahiya, pinakalandakan niya pang bago niyang SYOTA yun. Heh! Kung aalamin niya lang yung term niya para sa akin ng SYOTA na yan – SHORT TIME lang yan. Pakshet sila.

   Dahil sa inis ko ay lumabas ako ng classroom at pumunta ng canteen para bumili ng ‘Burger steak’, nagugutom ako kaya kailangan ko munang kumain. Mamaya pa naman ag klase namin eh.

   Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa canteen para kumain ng kumain. After nito makikita ko na naman ang two-timer kong ex-boyfriend na si Ernesto at ang kaklase kong si Panchita na kinulang sa protina sa katawan.

   Sumubo ako ng isang kanin na may ulam. Sa t’wing maiisip ko ang tungkol sa ginawa nila sa banyo. Naiirita ako. Kapag ang bulbol talaga kapag nangati kailangan talagang may kumamot para mawala. Eh, kung lagyan na lang niya ng katingko para masunog sa init yung buhok niya sa baba. Bwisit sila.

   ‘Di ko namalayang unti-unti na palang tumutulo ang luha ko kaya kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko, pero kamalas-malasan naman kung kailang-kailangan ko tsaka naman wala. Bakit ba kasi nagkaganito ang nangyayari sa buhay ko. Sana, sana may magcomfort o magpasaya sa akin—kahit siya man lang.

   “Miss, gusto mong ice cream?” Tanong ng isang lalaki. Tiningnan ko siya. Si Samuel—yung crush ko nung first year ako rito. Napangiti ako at kinuha yung ice cream.

   “Salamat.”

   Napangiti siya at umupo sa harapan ko. “Alam mo, pangit sa isang babae ang umiiyak. Nakakabawas sa kagandahan yun.” Paliwanag niya sa akin bago sumubo ng ice cream. “Kaya ‘wag kang iiyak. Halika punasan natin yang luha mo.” Nilabas niya yung panyo niya at siya mismo ang nagpunas ng luha ko.

   Natawa ako. Para kaming magkasintahan sa ginagawa namin.

   “Ayan. Hindi ba? Tama ang sabi ko sa’yo. Smile ka lang para lalo kang gumanda.”

   “Salamat.”

   “Walang anuman. Ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya sa akin. Uminom ako ng tubig bago magsalita.

   “Ako si Carol. Ikaw?” Nagpanggap ako na hindi ko siya kilala kasi baka mailang siya sa akin. Nguniti muli siya at sumagot na naging dahilan para magulat ako.

   “Ako si Daryl, kakambal ni Samuel.” Medyo bumuka ang bunganga ko sa gulat. Akala ko siya na.

   “Oh. Ba’t malungkot ka na naman? May nasabi ba akong mali?” Umiling ako sa tanong niya. Nanghinayang lang ako kasi hindi si Samuel yung nakausap ko ngayon. At saka oo nga pala, may identical twin pala si Samuel Del Mundo—si Daryl Del Mundo.

   “Oh wala naman pala ehh. Dapat smile ka lang lagi. Ha?” Napangiti ako bago tumango. Siguro, hindi nga o hindi pa ngayon ang panahon para makilala si Samuel. Pero masaya naman ako kasi nakilala ko yung isa niya pang parte.

   “Ay! Gusto mo ba ng manggang hilaw? May dala ako. Galing pa ‘to sa probinsya namin sa Isabela.” Sabay pakita niya ng isang plastic na punung-puno ng manggang hilaw.

   “Sure. Di ko tatanggihan yan.” Kumuha ako ng limang pirasong manggang hilaw at inilagay yun sa bulsa ng palda ko. Yung iba naman ay hinawakan ko na lang. “Salamat rito ah.”

   “No problem. Basta ‘wag ka nang iiyak ah. Ngumiti ka lang. Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka.” Bigkas niya at naglakad na siya palayo sa akin. Kaya tumalikod na rin ako para bumalik sa klase ko.

   “Ay! Oo nga pala.” Pahabol niya sa akin kaya napalingon akong muli sa kanya. “Payo lang. Ang pag-ibig, parang tao lang yan na taeng-tae na, na pinipigilang lumabas ang dapat ilabas sa pwet niya. Kahit na masakit tinitiis pa rin hanggang sa makahanap siya ng kubetang pwedeng paglabasan niya ng tae. At kapag nailabas na niya lahat ng tae na yun ay giginhawa ang pakiramdam niya at lalabas siya ng kubeta na hindi na iniinda ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang tiyan. Mamaya kapag natae ka, try mong ihaluntulad yan sa pagmamahal mo dun sa lalaking yung pinaglaruan ka. Tapos pakiramdaman mo ulit ang sarili mo. Masakit pa ba ang tiyan mo? Yun lang. Sige pumasok ka na. Bye Carol, hanggang sa muling pagkikita.”Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya? Nagkibit-balikat na lang ako. Kumaway siya at umalis na palayo. Kumaway din ako. At naglakad na rin palayo. Naisip ko na kahit na nakakadiri yung pinagsasabi niya kanina ay may punto siya. Kailangan ko nang mag-move-on. At hindi niya deserve ang second chance. Napangiwi ako nang maramdaman kong nananakit ang tiyan ko. Matatae pa yata ako ng ‘di oras. Pero napangiti ako ng maisip ko na isa na ‘tong sign para mag-start ako sa another chapter ng buhay ko.