Sabado, Disyembre 12, 2015

Ang Bata sa Burol

Nakaupo ako ngayon sa damuhan at nakatulala sa kawalan ng burol na ‘to. Wala akong maisip kung ano ang gagawin ko rito sa ibabaw ng burol na ito. Wala man lang akong makitang maganda rito kung ‘di ang mga kulay berdeng mga puno at ang bahaghari sa kabilang bahagi ng burol.

                Inihilig ko ang aking ulo sa aking tuhod, gusto kong maiyak. Bakit wala akong makitang mga ibong nagliliparan? At saka bakit pakiramdam ko dumidilim ang buong kapaligiran ko?

                Napahagulgol ako ng malakas. Ayoko nang nakikita at nararamdaman ko.

                “Bata, bakit ka umiiyak?” Tanong ng isang babae, ngunit pag-angat ng aking ulo ay isang batang lalaki ang nakita ko. Nakangiti siya sa akin. Nakakainggit naman yung ngiti niya. Umiling lang ako sa tanong niya sa akin, kasi kahit ako hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko nalulungkot ako.

                Tumango-tango na lang siya sa sinagot ko.

                “Bakit ka narito sa burol?” Muli niyang tanong. Napaisip ako. Paano ba ako napunta rito?

                “Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nakaupo lang ako rito at walang ginawa kung hindi ang titigan itong lugar na ito.” Itinuro ko ang mga puno at ang bahaghari sa kabilang dako ng burol. Tumango-tango muli siya.

                “Tara! Lipad tayo!” Tumalon siya ng burol kasama ako. Teka?! Hindi ako lumilip—

                “Huwag kang mag-alala, hindi ka maiiwang mag-isa.” Marahan niyang bigkas na nakapagpaiyak sa akin.

                Dinala niya ako sa buwan at sinabi niya sa akin na matalik niyang kaibigan ang buwan. Madalas din silang maghabulan paikot ng mundo.

                “Gusto mong sumali?” Tanong ni Buwan. Tumango ako at nakipaglaro sa kanila. Ang saya.

                Matapos iyon ay nagpunta kami sa ilalim ng karagatang Pasipiko at nakilala ang mga nilalang sa karagatan, lalo na yung pinakamalaking putting balyena. At sumakay kami sa likuran niya at iniikot ang buong kaharian ng mga sirena.

                Nang magutom kami ay nagpunta kami sa isang kaharian sa kanlurang bahagi ng bansa. At doon ay walang sawa kaming kumain nang kumain ng mga putaheng handa ng Hari’t Reyna.

                Napakarami naming napuntahan. Katulad ng pagpasok sa loob ng telebisyon kung saan nakita ko ang nangyayari at kaya naming baguhin ang pangyayari sa palabas. Sa mundo ng mga mahikero na kung saan nakagawa kami ng napakalaking cotton candy na inubos naming dalawa ng halos isang oras. Hanggang sa pinaka ilalim ng mundo kung saan nahawakan namin ang puso ng mundo.

                Ang lahat ng iyon ay naging masaya dahil kasama ko siya.

                Hanggang sa bumalik na tayo sa burol kung saan mo ako nakita.Ayokong bitawan ang kamay mo. Ayokong maiwan mag-isa rito sa ibabaw ng burol, yan ang ibinibigkas ko habang pinipigilan kong huwag umiyak ngunit nginitian mo ako, sabay sabing; “Hindi naman ako mawawala, nandito lang ako sa puso’t isipan mo. At saka, marami ka pang makikilala katulad ko na makakasama mo sa lahat ng paglalakbay na nanaisin mo.”

                Sa huli, niyakap kita at lumipad ng napakalayo—palayo sa akin.

                “Paalam munti kong kaibigan, hanggang sa muling pagkikita…”



                Unti-unting dumilat ang aking mata, napangiti ng mapakla sabay sabing; “Panaginip lang pala ang lahat.”

Biyernes, Disyembre 4, 2015

∞ Story of Us ∞




Story of Us (Short Story)        

ILikeCoffee4UNI


I love reading books.


I love writing stories.


And I want to share my stories to everyone.


That's why I become a writer.


Lahat ng istoryang ginagawa ko; love story, magical or tragedy, lahat sinusulat ko at masaya akong may mga taong humahanga sa gawa ko at gusto akong magpatuloy nang husto pa.


Pero alam mo bang may isa pa akong rason kung bakit ako naging isang writer?


Dahil gusto kong isulat yung istorya natin. Isang tragedy story—about us. Yung nagsimula tayo as magkababata, hanggang sa nagtapat akong gusto kita at sinabi mong, 'I feel the same'. At dumating na nga si ligawan day at tumagal ng halos kalahating buwan at sinagot kita. Yung moment na sobrang saya natin na sinabi ko sa sarili kong ikaw na yung perfect one na makakasama ko habang buhay. Tapos dumating si new character, which is antagonist pala sa love story natin.


Nagalit ako, pero sinabi ko nung mga panahon na yun na nagkamali ka lang. Kaya pinagkatiwalaa pa rin kita at minahal ng walang kulang.


Pero, nasasaktan na 'ko sa t'wing magbubulag-bulagan sa ginagawa mo sa akin. Kaya nagdesisyon na ako kung ano ba ang tamang gawin. Kailangan na kitang palayain, kasi nahihirapan na 'ko. At pagkatapos 'non ay lalayo na rin ako kasama ang alaalang kailangang tanggalin ko sa isipan ko sa mga susunod na panahon.


Nagfocus ako sa pagsusulat ng istorya ko nang marinig ko yung isang kantang kinanta mo sa akin. Aminin ko man o sa hindi, nasaktan ako. Ang tagal din kasing nating naging tayo. Tapos mawawala lang na parang 'shooting star' pagkatapos mong magwish ng panandalian.


Ngayon, malapit ko nang matapos yung story natin, pero nakukulangan pa rin ako kaya bumalik ako at pumunta sa bahay ng kuya mo. Gusto kong masatisfy yung mga readers ko kapag nabasa nila 'tong ginawa ko. Kaya kahit nasa stage pa ako nang moving-on ay nagpakatatag pa rin ako para matapos ko ang istorya nating dalawa.


Hanggang sa ngayon, parehas tayong nakatayo sa beach kung saan tayo nagkakilala nung mga bata tayo. Ito na yung huling chapter ng story natin na kung saan kailangan nang maghiwalay ng landas yung dalawang bida. Niyakap kita ng sobrang higpit, kasi alam kong wala nang book two sa istoryang gagawin nating dalawa. Hanggang sa niluwagan ko na ang pagkakahawak sa'yo, natatawa pa nga ako ng pagak dahil ayaw mo pa akong bitawan at paulit-ulit kang nagso-sorry sa mga ginawa mong ka-gaguhan. Pero hindi na ganon ka-big deal sa akin yun. Basta ang alam ko, ito na yung epilogue ng story natin. At sana sa susunod ay parehas na tayong masaya sa another chapter ng buhay natin.


Salamat sa binigay mong story na naging story ko rin. At kung nababasa mo man 'to, this is the Story of Us...